-- Advertisements --

Iniulat ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tumaas ng 60 percent ang bilang ng mga preso sa sa buong bansa.

Ito ay dahil sa matinding kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay BJMP Spokesperson C/Insp. Xavier Solda, batay sa kanilang datos ay 71 percent o 90,000 sa kabuuang 143,000 inmates na nakakulong sa mga selda ng BJMP ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Naniniwala naman si Solda na posibleng tataas pa sa 417,000 ang bilang ng mga bilanggong may drug related cases sa taong 2022.

Ngayong araw ipinagdiriwang ng BJMP ang kanilang ika-26th anibersaryo kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang panauhing pandangal.

Alas-3:10 ng hapon nang dumating ang pangulo sa Kampo Aguinaldo sakay ng presidential chopper.