-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magtutuloy-tuloy ang suplay ng pagkain sa mga pasilidad sa buong bansa.

Pormal na pumirma nang muli sa isang kasunduan ang BJMP at DAR para sa kanilang pagtutulungan sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty program (PAHP).

Layon ng kasunduan na magpatuloy ang pagsusuplay ng mga produktong agrikultural ng mga lokal na magsasaka sa mga BJMP facilities para sa magiging pagkain ng mga PDL’s.

Noong nakaraang taon, mahigit P30 milyon na mga produktong agrikultural ang kanilang nabili sa mga farmer organizations ayon yan kay BJMP Chief Ruel Rivera.

Samantala, higit 357 na mga pasilidad naman sa buong bansa ang kasalukuyang may existing na mga marketing agreements sa ilalim ng Local Agrarian Reform Beneficiaries.

Sa ilalim naman ng panibagong partnership ng BJMP at ng DAR ay inaasahang isa sa magiging daan para masuportahan ang mga local farmers habang tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga pagkain sa loob ng mga jail facility.