Nakapaghanda na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa paparating na eleksyon sa Mayo 12 ngayong taon.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jsupt. Jayrex Joseph Bustinera, sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang bilang na 31,750 na mga nakakulong na boboto ngayong darating na halalan.
Ang bilang na ito ay mula sa kabuuang populasyon na 115,791 na mga nakakulong na mga persons deprived of liberty (PDL’s) sa buong bansa.
Ani Bustinera, 393 na pasilidad naman ng kanilang tanggapan ang gagamitin bilang mga Special Polling Precints para sa mga PDLs na nangangahulugang hindi na lalabas ang mga botante at sa loob na lamang ng mga pasilidad na ito isasagawa ang mga botohan.
Para naman sa mga kulungan na mayroong nakarehistro na 50 o mas mababa pa sa bilang na ito na mga PDL voters, sa pamamagitan ng patnubay ng mga BJMP personnels ay dadalhin ang mga ito sa mga regular polling precints para makaboto.
Kasalukuyan namang nasa kabuuang bilang na 464 na ang mga PDLs na nasa ilalim ng patakaran na ito alinsunod na rin sa mga utos ng Commission on Elections at maging ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Samantala, ang mga PDL’s naman ay pinayagan na ring bumoto sa lahat ng kandidato mapa-lokal man o national positions na siya namang nagumpisa noong nakaraang eleksyong 2022.
Ani Bustinera, pinayagan na ng Comelec batay sa nilabas na relosuyon nito na ang mga PDL’s ay bumoto sa mga national level candidates para sa pantay na pagkalap ng mga boto at mas maayos naa botohan.
Samantala, pitong mga kandidato naman ang namonitor ng kanilang opisina na kasalukuyang nahharap sa mga kaso at nakakulong habang ang pangangampaniya naman ng mga kandidato sa labas ng piitan ay maaari na ring dalhin sa loob ng mga kulungan sa pmamagitan ng mga video messages.