-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Inalerto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang regional office nito sa Bicol kaugnay ng Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Jail S/Insp. Joseph Lucila, tagapagsalita ng BJMP regional office 5 na hinahantay na lang nila ang direktiba mula sa national headquarters para sa pagpapatupad nito.

Sa ilalim ng red alert, obligadong pumasok sa kanilang tungkulin ang mga kawani ng BJMP kahit sila ay on-leave.

Ito ay para umano masiguro na ligtas ang pasilidad ng mga piitan.

Kasabay ng Holy Week, inaasahan daw na dadagsa rin ang mga pamilyang bibisita sa kanilang kamag-anak na naka-kulong.

Bukod dito may mga aktibidad na rin daw ang BJMP para sa service providers kaugnay ng Semana Santa.