Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology na hindi nila bibigyan ng anumang uri ng special treatment si dismissed Bamban Tarlac, Mayor Alice Guo batay sa kanilang umiiral na polisiya.
Ginawa nito ang pahayag matapos ang plano sanang paglilipat kay Guo sa naturang kulungan matapos na mailabas ang warrant of arrest ng korte laban sa kanya.
Ito ay para sa kasong qualified trafficking in person na walang inererekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Bukod Kay Guo, naglabas na rin ang Pasig RTC ng arrest warrant laban sa iba pang indibidwal na kasama sa kinasuhan ng PNP at PAOCC.
Ayon sa BJMP, ihahalo si Guo kasama ang mga Person Deprived of Liberty sa parehong kulungan.
Samantala, aminado ang opisyal na siksikan na ang Pasig BJMP .
Ibig sabihin, ang apat na selda ay mayroong 36 na bilanggo na nakakulong.
Sa kabila nito ay tiniyak ng opisyal ng BJMP ang kaligtasan ng dating alkalde ng Bamban , Tarlac.