-- Advertisements --

Nasa 600 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakitaan na may boils o “pigsa” sa gitna ng matinding init ng panahon na nararanasan rin sa loob ng bilangguan ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ng tagapagsalita ng BJMP na si Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na tinututukan nila ang kaso sa skin diseases na kumakalat ngayon sa mga PDLs, kasabay ng hyperension at gastroenteritis.

Aniya, sa kasalukuyan ay may naitala silang 600 na kaso ng boils at ganun din ang pailan ilang kaso ng bungang arawm at madalas na kaso ng hypertension.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Bautista na ang pinakamalaking bilang ng kaso na naitala nila sa PDLs ay gastroenteritis o pananakit ng tiyan, sunod ay pigsa, rashes, fungal infection at conjuctivitis.

Kaya naman hinihimok umano nila lagi ang mga PDLs na maligo araw-araw at uminom ng maraming tubig.

Dagdag pa ni Bautista, ang lahat ng 485 BJMP facilities ay may mga nurses at naka-duty umano 24 oras.

Tiniyak rin nito na may sapat na gamot para sa mga naturang sakit at may budget pagdating sa gamot ngunit hindi umano ito ganoon karami. Kaya naman ang estratehiya umano na ginagawa nila sa bawat lokalidad ay makipag-ugnayan sa mga health department ng LGUs nang sa ganoon ay madagdagan ang resources nila sa mga gamot.

Samantala, sa ngayon ayon kay Bautista, ang BJMP ay may 334% congestion rate, bumaba ito mula sa 370% congestion rate noong nakaraang taon, at noong 600% congestion rate taong 2018.