-- Advertisements --

Iniulat ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sa loob ng walong araw zero Covid-19 case ang naitala ng ahensiya kung saan isa na lamang ang reported active case.

Ayon kay BJMP Spokesperson JCINSP. Xavier Solda, base sa kanilang monitoring, isang aktibong kaso na lamang ng Covid-19 ang natitira sa kanilang piitan at kasaulukuyang tinututukan ng pamunuan ng BJMP.

Sinabi ni Solda, na simula nuong Marso ng nakaraang taon ang BJMPA ay nakapagtala ng kabuuang 4,672 cases sa mga PDL kung saan 4,552 ang gumaling na sa sakit.

Nasa 50 PDL na merong comorbidities at talagang mahina ang pangangatawan ang naging biktima ng nakamamatay na virus.

Aniya, ang striktong pagsunod sa health protocols at ang agarang pagbuo ng Covid centers para i isolate ang PDL na mayruong Covid-like symptoms ay malaking naitulong sa Covid-19 management ng BJMP.

Lubos naman nagpasalamat ang pamunuan ng BJMP sa Department of Health,Department of the Interior and Local Government, mga local government executives at ang kanilang mga respective health units kabilang ang International Committee of the Red Cross at European Union partikular ang GoJust Project sa suporta na ibinigay sa BJMP.

Sa ngayon nasa 119,070 out of 125,589 PDL ang vaccinated, ibig sabihin umabot na sa 94.81% PDL ang nabakunahan.
Samantala, 95,813 sa 119,070 na PDL ay fully vaccinated na.

Positibo si BJMP Jail Director Allan Iral, na bago magtapos ang taon, lahat ng PDL at mababakunahan na.

Binigyang-diin naman ni Solda na sa kabila ng pagkakaroon ng significant improvement sa kanilang mga kulungan, patuloy pa rin ang BJMP sa paghihipigpit sa ipinatutupad na health and security protocols sa mga kulungan.

Siniguro din ni Solda na patuloy ang kanilang pagbabantay sa kanilang mga pasilidad at magmamalasakit para sa kapakanan ng mga PDL.