ILOILO CITY – Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Bureau of Jail Management and Penology sa Pavia Municipal Police Station kaugnay sa lumabas na impormasyon na may mga inmates sa facility na siyang nagsusuplay ng iligal nga droga sa Iloilo.
Kamakailan lang, nahulihan ng halos kalahating milyong piso na halaga ng iligal na droga ang isang lalaki sa Purok 4, Cabugao Norte, Pavia kung saan, ibinunyag nito na ang inmate sa Iloilo District Jail Dormitory ang nagsusuplay sa kanya ng droga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jail Chief Inspector Denver Beltran, jail warden ng facility, sinabi nito na ang ibang mga pangalan na ibinigay ng kapulisan ang matagal nang nakalaya.
Ayon kay Beltran, patuloy rin ang pagpatupad ng mga programa ng facility upang maiwasan na maugnay ang mga inmates sa iligal nga aktibidad.
Kabilang na dito ang pagsasagawa ng random at mandatory drug testing sa lahat ng mga inmates at personnel sa facility.
Matandaan na noong nakaraang linggo, dalawang inmates ang nagpositibo sa iligal na droga.
Ang mga ito ay isasailalim sa test pagkatapos ng tatlong buwan.