Nilinaw ng Bureau of Jail management and Penology (BJMP) na hindi naniningil ng pera ang Quezon City Jail Male Dormitory kapalit ng mga serbisyo para sa mga persons deprived of liberty (PDL).
Sa isang statement, binalaan ni QCJMD warden Supt. Warren M. Geronimo ang publiko laban sa mga scammer na nagpapakilalang kawani ng BJMP gamit ang FB account na ‘Dalaw Jail’ o Jail Visit para humingi ng bayad kapalit ng mga serbisyo tulad ng medical treatment para sa PDL.
Binigyang diin ng BJMP na ang mga kanilang mga ginagawang hakbang tulad ng medical interventions at decongestion efforts ay libre para maging maayos ang kondisyon ng mga preso.
Ayon naman kay BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera, sa pamamagitan ng naturang mga hakbang, nakatulong ito para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng sakit sa balat at iba pang mga karamdaman sa mga preso sa mga piitan.