-- Advertisements --
Nagpaalala ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagpapatuloy ang e-dalaw o online visits sa mga piitan sa bansa.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda, hindi pa rin nila pinapahintulutan ang pisikal na pagdalaw sa mga piitan bilang pag-iingat na rin sa pandemya.
Sa ngayon aniya ay kontrolado na raw ng BJMP ang sitwasyon ng COVID-19 sa mga bilangguan.
Paglalahad ni Solda, mula sa 1,998 na kasong naitala simula Marso, nasa 38 na lamang ito ngayong buwan.
Umaasa naman ang jail official na bago matapos ang taon ay maabot na nila ang zero cases sa mga kulungan.