-- Advertisements --

Tiniyak ng Pasig City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nila bibigyan ng VIP treatment o special treatment dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Gou.

Sinabi ni BJMP spokesman Jayrex Joseph Bustinera, na ilalagay ito sa mga normal na pinaglalagyan sa Pasig City Jail female dormitory.

Sa isang selda aniya na dapat ay mayroong 35 na kapasidad nito ay over crowded na dahil umabot na ito ng 135 ang nakakulong doon.

Isa sa mga apat na prison cells si Gou na itinakda sa mga general population ng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Dagdag pa ni Bustinera na hindi nila pipigilan ang anumang dalaw kay Guo basta sila ay sumunod sa mga itinakdang oras ng pagdalaw.