-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na may isang tauhan silang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay BJMP spokesman JCInsp. Xavier Solda, babae umano ang kanilang tauhan na infected ng virus.

Naka-assign ito sa Quezon City Jail Male Dormitory, bilang paralegal officer.

Pero nilinaw ng opisyal na hindi na pumupunta sa naturang lugar ang BJMP personnel bago pa man natukoy na infected ng COVID-19.

Maging ang mga empleyadong nagkaroon ng close contact sa nagpositibong pasyente ay pinasasailalim na rin sa home quarantine.

“We also had our contract tracing among our staff the last time she visited the jail. The personnel she interacted with were advised by doctors to observe home quarantine,” pahayag ng BJMP.