-- Advertisements --
Pinaghahandaan din na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang patuloy na nararamdamang init ng panahon.
Ilan sa mga ginagawa ngayon ng BJMP ay ang paglalagay ng sapat na suplay ng tubig at ang tamang ventilation sa mga iba’t ibang detention facility ng BJMP.
Umaabot na ngayon sa 135,000 ang kabuuang detainees sa 476 na detention facility sa bansa.
Humingi na rin sila ng tulong sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilang mga lugar na nakakaranas ng mahinang suplay ng tubig.
Kadalasang mga sakit na nararanasan ng mga inmates dahil sa tindi ng init ng panahon ay ang hypertension, hirap sa paghinga, mga sakit sa balat, sore eyes at iba pa.