CAUAYAN CITY – Nakiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day ang Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP) Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa BJMP Santiago City District Jail Male and Female Dormitory, maaga pa lamang ay nagsagawa na ang mga personnel ng Flag Raising Ceremony bilang pakikiisa sa nasabing selebrasyon.
Pinangunahan ni Jail Chief Inspector Ericley Louise Lazaro , Male Warden at Senior Jail Officer 4 Sharon Datul, Female Warden ang maikling Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng hindi bababa sa Sampung Personnel para sa National Flag Day.
Samantala, Iwinagayway naman ng ilang Tricycle Drivers, private vehicle owners, business establishments at ilang gusali sa lungsod ang naglatag ng bandila ng Pilipinas sa ibat ibang bahagi sa Lungsod kabilang na ang pagtataas nito sa kanilang mga pagmamay-aring gusali o sasakyan.
Isinasagawa ang selebrasyon na ito bilang pagpapakita ng pagkikiisa at paggalang sa bansa at pagtugon sa Presidential Proclamation No. 374.
Hiling naman ng karamihang nakaugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Lungsod ng Santiago ang pakikiisa ng mga Pilipino sa iisang layunin na paghilom ng kalungkutan at hirap na dulot ng pandemya.