-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment para sa sumukong si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ito’y matapos ang pormal nang pagsuko ng alkalde upang kaharapin ang mga kasong double murder at multiple attempted murder na inihain sa korte kaugnay ng umano’y pagiging utak sa pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe.

Dinala naman ang alkalde sa Legazpi City Jail Annex kung saan inilalagak ang mga newly-committed persons deprived of liberty (PDLs).

Dito isinagawa ang orientation sa rules and regulations ng nasabing pasilidad.

Ayon kay Chief Insp. Xavier Solda ng BJMP, ordinary PDL ang magiging trato sa nasabing alkalde.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng pamilya Batocabe sa kapulisan, piskalya at korte sa tulong upang maituloy ang kaso.