-- Advertisements --

Nagpabawas ng kaniyang dibdib ang rapper na si Angela White o kilala dati na si Blac Chyna.

Sinabi nito na nakaranas nito na isang napakasakit na proseso ang kaniyang pinagdaanan.

Nagpasya itong magpabawas ng kaniyang dibdib matapos na makaranas ng kumplikasyon sa kalusugan.

Hindi na rin aniya bagay sa kaniyang katawan ang pagkakaroon ng pekeng dibdib kaya minabuti niyang ipabawas na lamang ito.

Dagdag pa nito na sumailalim ito ng dalawang operasyon na mula sa dati ay 585cc implants hanggang sa 190 cc implants.

Dahil sa nakaranas ng matiding side effects mula sa breast implants ay nagpasya na ito na ipatanggal na lamang ang nasabing dibdib.