-- Advertisements --

Nangangamba ang mga otoridad sa US na walang nakaligtas at patay lahat ang 67 na katao ng mabangga ng US Army UH-60 Black Hawk ang CRJ-700 American Airlines flight 5342.

Patuloy pa rin na hinahanap ng Federal Aviation Administration ang cockpit voice recorder/ flight dat recorder o kilala bilang black boxes ng nasabing eroplano at helicopter.

Hinahalughog pa kasi ng mga otoridad ang Potomac River para mahanap ang nasabing flight recorder at masimulan ng National Transportation Safety Board ang kanilang imbestigasyon.

Dahil na rin sa insidente ay kinansela ng American Airlines ang dalawang flights nito sa Wichita, Kansas at Washington DC.

Magugunitang nabangga ng Bombardier CRJ700 regional jet ang US military helicopter habang ito ay papalapit sa Runway 33.

Mayroong 64 katao ang sakay ng eroplano habang tatlong sundalo naman ang lulan ng helicopter.