-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto sa bansa ang American hip-hop group na Black Eyed Peas.

Magaganap ang nasabing konsiyerto sa darating na Agosto 27 sa Mall of Asia Arena.

Habang magsisimula ang pagbebenta ng tickets sa darating na Marso 15.

Ang grupo ay binubuo nina Taboo; Will I.Am at Apl de Ap.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay “Where Is The Love”, “Boom Boom Pow” ,”Gotta Feeling” at maraming iba pa.