-- Advertisements --
chadwick boseman 2

Pumanaw na ang 43-anyos na aktor na si Chdwick Boseman matapos ang apat na taong pakikipaglaban nito sa sakit na colon cancer.

Bago ito kunin bilang isa sa mga superhero ng Marvel Studios ay unang umarangkaada ang karera ni Boseman dahil sa kaniyang pagganap sa mga karakter ng Black American icons na sina Jackie Robinson at James Brown.

Sa official Twiter account ng kaniyang representative, malungkot nitong ibinalita ang pagpanaw ng aktor.

Ikinalungkot naman ang balitang ito nina Kevin Feige na siyang presidente ng Marvel Studios.

Kwento ni Feige, hindi raw nito makakalimutan ang unang nilang pagkikita dahil mabait na kaibigan at magaan na katrabaho umano si Boseman.

Kinakatawan din nito ang mga tao na buong puso ang pagmamahal sa kanilang trabaho.

Naging tahimik ang pakikipaglaban ni Boseman sa colon cancer kung saan pinagsasabay nito ang trabaho at pagpapagamot.