-- Advertisements --
Ikinadismaya ni film director Ryan Coogler ang ginawa sa kaniya ng isang bangko matapos na mapagkamalan siyang magnanakaw.
Sinabi ni “Black Panther” director na magwi-withdraw siya sana sa kaniyang account ng $12,000 sa Bank of America sa Atlanta.
Subalit nanghinala ang teller kaya tinawag niya ang kaniyang manager at pinaaresto siya.
Ayon sa mga kapulisan na nakasuot ito ng facemask, sunglasses at sumbrero ng mangyari ang insidente kaya ito ay napagkamalan na magnanakaw.
Humingi naman ng paumanhin ang Bank of America dahil sa pangyayari.