-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang South African actress na si Connie Chiume sa edad na 72.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak kung saan sa pagamutan ng Johannesburg na ito nalagutan ng hininga.

Hindi na nila binanggit ang naging sanhi ng kamatayan nito kung saan humingi ang mga ito ng pagdarasal at privacy.

Nakilala ang actress na gumanap bilang tribal leader sa pelikulang “Black Panther noong 2018 at “Black Panther: Wakanda Forever” noong 2022.

Taong 1952 ng isilang si Chiume sa South Africa na ang kaniyang ama ay isang Malawian at Zulu ang Ina.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa mga kapwa artista at mga nakasama ng actress sa pelikula.