-- Advertisements --

Nakakuha ng bagong pagkilala ang South Korean girl group na Black Pink.

Ito ay matapos na kilalanin sila bilang biggest music act in the world ng Bloomberg.

Ang nasabing pagkilala ay base sa Bloomberg’s Pop Star Power Rankings.

Naging susi sa pagkapanalo ng grupo ay ang 3-month gross ticket sales, 30-day ticket sales, album sales, Spotify streams, YouTube views at Instagram interactions.

Kabilang din sa nagpanalo dito ay ang pagiging “most popular act ng grupo sa YouTube na mayroong mahigit 1 billion views sa buwan pa lamang ng Oktubre.

Sumusunod sa listahan ay si Pop Smoke, Cardi B, Justin Bieber, JuiceWRLD, Drake at Ariana Grande.

Habang nasa pang-10 puwesto naman ang kapwa South Korean group na BTS.