-- Advertisements --

Matagumpay na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang blacklisted Chinese national sa the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Kininilala ito ng mga awtoridad na si Zhou Xingxing, 31 anyos. Nagtangka umano itong umalis ng Pilipinas lulan sana ng isang flight patungong sa Guangzhou, China.

Napag-alamang si Zhou ay napapailalim sa isang kautusan ng BI noong Enero 2023 na umalis ng Pilipinas dahil overstaying na ito. Si Zhou ay nagtatrabaho sa isang online gaming company na may expired na lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Matapos na maaresto, ka agad itong itinurn over sa Border Control and Intelligence Unit ng BI para sa pagproseso. Kasunod nito, ipinasa siya sa Legal Division para sumailalim sa booking procedures.

Inilipat na rin ito sa BI Warden Facility na nasa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.

Mananatili siya sa kustodiya habang hinihintay ang kanyang deportasyon, kasunod ng pagkumpleto ng mga legal na paglilitis.

Binigyang diin naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang hindi natitinag na pangako ng BI sa pagtataguyod ng Philippine immigration laws.

Top