-- Advertisements --

Bilang paghahanda sa anumang insidente ng malawakang power outage, nagsagawa ang pamunuan ng NGCP ng blackout drill kahapon.

Ang naturang mga drill ay ginanap ng magkakahiwalay para sa Luzon, Visayas, at Mindanao grid.

Dumalo sa naturang event ang mga stakeholders na kinabibilangan ng mga generation at distribution sector.

Present din dito ang ilang mga kinatawan ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission.

Naging pangunahing topic sa programa ang ilang black start services, power restoration, breakout sessions at iba pang usapin.

Ang hakbang na ito ay naglalayong synchronize ang magiging tugon ng mga energy sector sa oras na magkaroon ng malawakang power interruption sa bansa.

Dito ay inaasahang magiging handa ang stakeholder para sa kaukulang pagtugon maging sa tamang koordinasyon sa publiko.

Top