-- Advertisements --

Inilabas na ng Korean girl group na Blackpink ang kanilang teaser video para sa nalalapit na world tour ngayong taon.

Makikita sa kanilang 22-videos ang pagsayaw ng apat na miyembro nito sa mga venue na puno ng mga audience.

Makikita ang pagsayaw ng mga miyembro na sina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa.

Hindi naman pa nila inilabas ang anumang petsa at detalye ng nasabing konsiyerto.

Huling nagtungo sa bansa ang grupo ay noong 2023 para sa kanilang “Born Pink” tour sa Philippine Arena.