-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng comeback world tour ang K-pop group na Blackpink.

Kinumpirma ito ng grupo subalit hindi pa sila nagbigay ng ibang mga detalye.

Huling nagsagawa ng world tour ang grupo ay mula Oktubre 2022 hanggang Setyembre 2023 kung saan kabilang ang Pilipinas na ginanap sa Philippine Arena noong Marso 2023.

Nagsimula ang grupo noong Agosto 2016 na ito ay binubo nina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa.

Noong Disyembre ay nagkaniya-kaniya na sila ng label kung saan isa-isa rin silang naglabas ng mga kanta.