-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng comback world tour sa susunod na taon ang K-pop girl group na Blackpink.

Kinumpirma ito ng kanilang agency na isa sa mga malaking inaabangan na aktibidad ng grupo ang malaking concerts.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama-sama muli ang grupo matapos ang paglabas ng kanilang ikalawang studio album na “Born Pink” noong Setyembre 2022.

Noong nakaraang taon kasi ay nag-expire na ang kontrata ng grupo sa YG entertainment at mula noon ay gumawa ng sariling management companies sina Jisoo, Jennie, at Lisa