-- Advertisements --
Inilabas na ni BlackPink member Jennie Kim ang kaniyang unang solo album.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang ilang larawan kung paano nabuo ang album niyang “Ruby”.
Ang 29-anyos na singer at rapper ay siyang pang-apat at huling miyembro ng BlackPink na naglabas ng solo album.
Sa kaniyang album ay kasama niya sa pagkanta ang ilang mga kilalang singer gaya nina Dua Lipa, Dominic Fike, Childish Gambino, Doechii at iba pa.
Magugunitang noong mga nagdaang buwan ay naglabas ng kanilang solo album ang miyembro ng Blackpink na sina Rosie sa album nitong “Rosie” ; Jisoo sa album nitong “Amortage” at Lisa sa album nitong “Alter Ego”.