-- Advertisements --

Nayanig ang mundo ng K-pop matapos na ianunsiyo ni Blackpink member Jisoo na ito ay karelasyon niya.

Sa kaniyang social media, ibinunyag ng 28-anyos na Blackpink member na nagkakamabutihan na sila ng 35-anyos na Korean actor na si Ahn Bo-hyun.

Humingi naman ang kani-kanilang mga agencies na suportahan na lamang, irespeto at intindihin na lamang ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Ang actor na isa ring model ay lumabas sa ilang drama series sa South Korea.

Madalang kasi sa mga K-pop stars na ibinunyag nila ang mga karelasyon nila sa tunay na buhay.