-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Blackpink member Jisoo na ito ay magtutungo sa Pilipinas.

Ayon sa kaniyang agency na Blisoo, magsasagawa ang 30-anyos na si Jisoo ng fan meet na “Lights, Love, Action” sa buong Asya.

Hindi pa nagbigay ng ilang detalye kung kailan ang petsa ganun din ang presyo ng mga tickets ng nasabing fan meet.

Ang nasabing tour ay bilang suporta sa debut song ni Jisoo na “Amortage” na ilalabas sa Pebrero 14.

Unang magtutungo sa bansa si Jisoo at isusunod ang Bangkok, Tokyo, Macau, Taipei, Hong Kong at Hanoi.

Huling bumisita sa bansa si Jisoo ay noong 2023 sa concert ng Blackpink na “Born Pink” na ginanap sa Philippine Arena.

Taong 2023 ng ilabas niya ang solo album niyang “Me”.