-- Advertisements --

Bumandera si Blackpink member na si Lisa sa 2024 Global Citizen Festival.

Ito ang unang pagkakataon na magtatanghal ang K-pop star sa music festival na gaganapin sa Central Park ng New York City sa darating na Setyembre 23.

Ayon kay Katie Hill ang senior vice president at head of music, entertainment at artist relation ng Global Citizen na labis silang nagagalak na maimbitan si Lisa.

Noong Hunyo 28 ng ilabas ni Lisa ang kaniyang bagong kanta na “Rockstar”.

Ilan sa mga celebrities na makakasama nito ay sina Doja Cat, Post Malone at maraming iba pa.

Taong 2012 ng magsimula ang nasabing festival para magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa labis na kahirapan, kagutuman at climate change.