-- Advertisements --

Gumaling na matapos dapuan ng COVID-19 ang BlackPink member na si Lisa.

Ayon sa agency na may hawak sa grupo na YG Entertainment, nakalabas na mula sa pagkaka-self quarantine ito.

Pinayag na rin ito ng gobyerno ng South Korea na makalabas matapos ang pag-isolate ng ilang araw.

Kahit na kumpleto na ang kanilang bakuna ang ilang miyembro ng BlackPink na sina Jisoo, Rose at Jennie ay patuloy pa rin nila itong binabantayan.

Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 si Lisa noong huling linggo ng Nobyembre.