-- Advertisements --

Nagkamit ng tatlong pang Guinnes World Record ang K-pop member na BlackPink na si Lalisa Manoba.

Ayon sa Guinness na kinabibilangan ito ng first solo K-pop winner sa the MTV Video Music Awards at first solo K-pop winner sa MTV Europe Music Awards.

Ang best K-pop Videos na kategorya na ito ng MTV VMA ay ekslusibong nakukuha lagi ng grupong BTS.

Nauna rito ay nakuha ni LIsa ang record na celebrity na may pinakamaraming followers sa Instagram na aabot sa mahigit 86 milyon na.

Magugunitang mula ng mag-solo ito ay naglabas ito ng album na “LaLisa” noong 2021 kung saan naging most-viewed sa YouTube music na umabot sa mahigit 73 milyon views sa loob lamang ng 24 na oras.