-- Advertisements --
BLACKWATER
Blackwater elite/ PBA image

Buhay pa ang tsansa ng Blackwater Elite para sa quarterfinals matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters 100-96 at madala ang laro sa do-or-die game.

Nanguna sa panalo ng Blackwater si Greg Smith na nagtala ng 31 points, 18 rebounds habang mayroong 28 points, seven rebounds si rookie Bobby Ray Parks Jr.

Lumamang pa ang Blackwater ng hanggang 14 points at naibaba ito ng Rain or Shine.

Sinabi naman ni Blackwater interim coach Aris Dimaunahan, na hindi pa handa ang kaniyang koponan na magbakasyon kaya ginawa nila ang kanilang makakaya para maipanalo ang laban.

Nasayang naman ang ginawang 25 points ni Javee Mocon at 13 points ni Beau Belga.

Gaganapin sa Huwebes ang do-or-die best-of-three series ng dalawang koponan.