-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Blackwater ang Phoenix 123-111 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo si George King na nagtala ng 44 points at 13 rebounds habang mayroong 32 points si Sedrick Barefield.

Ito na ang pangalawang suno na panalo ng Blackwater kung saan mayroon na silang dalawang panalo at tatlong talo.

Nasayang naman ang nagawang 45 points, 10 rebounds at walong assists ni Phoenix import Brandone Francis.

Labis ang kasiyahan ni Blackwater coach Jeffrey Cariaso dahil sa ipinamalas na laro ng kaniyang players.