-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Blackwater Bossings sa PBA 49th Season Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Rain or Shine 139-118 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ng 64 points si Blackwater import George King ipakita ang kagalingan nito sa non-bearing games nila ng Elastopainters.

Nagtapos ang Blackwater na mayroong limang panalo at limang talo na katabla ang NLEX subalit hindi nakapasok ang Bossings sa playoffs dahil sa inferior quotients.

Magsisimula naman sa Miyerkules ang laban ng Rain or Shine at Magnolia sa Group A.