-- Advertisements --

Naghayag ng interest na makapaglaro sa Gilas Pilipinas si PBA import George King.

Matapos ang nagawang 64-points nitong Lunes ng gabi ay hindi nagdalawang isip ang American basketball player na makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

Dagdag pa ng 30-anyos na si King na gaya ni Justin Brownlee ay kaya rin niyang dalhin ang bandila ng Pilipinas sa mga international games.

Subalit ayon kay Gilas coach Tim Cone na matatagalan pa ang nasabing request dahil sa naghihintay pa ang aprubal nina Angelo Kouame at Bennie Boatwright para sa kanilang naturalization process.