-- Advertisements --

Tinalo ng Blackwater ang NLEX 110-99 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Governors’ Cup.

Bumida sa panalo si George King na nagtala ng 39 points, 15 rebounds at limang assists sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ri ng 15 points at 14 rebounds si Troy Rosario habang mayroong 14 points at limang assist si Sedrick Barefield.

Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng Bossings na mayroon na sila ngayong tatlong panalo at talong talo sa Group B.

Naging masaya naman si Blackwater coach Jeff Cariaso kung saan ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpursige para makakuha ng maraming panalo.

Nasayang naman ang ginawang 26 points, 12 rebounds, anim na assists at tatlong steals si Myke Henry para sa NLEX.