-- Advertisements --
Naitala ng Blackwater ang unang panalo sa PBA Philippine Cup matapos na talunin ang NorthPort 120-98 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Nanguna sa panalo ng Blackwater si Sedrick Barefield na nagtala ng 20 points habang mayroong 19 points si Christian David.
Nag-ambag naman ng 17 points , walong assists si RK Ilagan, 15 points naman si Richard Escoto habang mayroong 14 points, limang rebounds at tatlong assists.
Ito na ang pangalawang sunod na talo ng Batang Pier na mayroong isang panalo lamang.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Joshua Munzon habang mayroong 24 points, 11 rebounds si William Navarro para sa NorthPorth.