-- Advertisements --

Nalusutan ng Blackwater Elite ang NorthPort Batang Pier 96-89 sa kanilang unang laro sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Kapwa nagtala ng tig-17 points sina Roi Sumang at Don Trollano habang mayroong 16 points si Mac Belo.

Ito rin ang buena manong panalo ng bagong coach ng Blackwater na si Nash Racela.

Naging mabagal ang simula ng Blackwater kung saan mayroong 9-0 na kalamangan ang North Port.

Inamin ni coach Racela na sa unang quarter pa lamang ay binubully na sila nina Christian Stanhardinger, Kelly Nabong at Sean Anthony sa pamamagitan ng pagrebound.