-- Advertisements --

Naging maganda ang simula ng NLEX Road Warriors sa PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Blackwater 104-87 sa laro na ginanap sa Araneta, Coliseum.

Bumida sa panalo ng Nlex si Robert Bolick na nagtala ng 24 points, 11 assists, siyam na rebounds at dalawang steals habang ang import na si Myke Henry ay mayroong 31 points , 10 rebounds at tatlong assists.

Mula sa simula ay dominado ng NLEX ang laro kung saan hindi na pinalamang pa ang Blackwater.

Ito na ang angalawang talo ng Blackwater at wala pa silang panalo.