-- Advertisements --

Pinahiya ng Blackwater ang Barangay Ginebra 95-88 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Nanguna sa panalo ng Blackwater si George King na nagtala ng 33 poinits at 19 rebounds.

Huling tinalo ng Blackwater ang Ginebra ay noong nakaraang limang taon 108-107.

Pinuri naman ni Blackwater coach Jeff Cariaso ang kaniyang manlalaro dahil sa naging matindi ang ginawa nilang pag-lalaro.

Nasayang naman ang nagawang 37 points ni Justin Brownlee, 17 points kay Japeth Aguilara at 10 points ni RJ Abarrientos para sa Ginebra.