Bibiyahe na patungong playoffs ang Blackwater matapos ang kanilang 104-99 panalo kontra sa Magnolia sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.
Sumandal ang Elite kay Roi Sumang na tumipon ng 19 markers, kabilang na ang pitong sunod-sunod na puntos na bumasag sa 87-87 tabla sa pagtatapos ng regulation.
Dahil sa panalo, tinapos ng Blackwater ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo at nagpalakas din sa kanilang kapit sa ikatlong puwesto tangan ang 6-3 kartada.
Natuldukan naman ang maliligayang araw ng Magnolia nang maputol na ang kanilang five-game win streak, at malaglag sa 5-3 baraha.
Umiskor ng 15 points si Michael DiGregorio, kasama na ang pinakawalan nitong tres na nagbigay sa Blackwater ng 84-80 abanse sa nalalabing 1:24 sa final canto.
Nagdagdag din sina Allein Maliksi ng 14 points para sa Elite, habang nagpasiklab agad ang bagong saltang import na si Staphon Blair na kumamada ng 14 points, 14 rebounds, at limang blocks.
Pinamunuan naman ni Paul Lee ang Magnolia na bumuslo ng 25 points, anim na rebounds at walong assists.
Narito ang mga iskor:
Blackwater 104 – Sumang19, DiGregorio 15, Maliksi 14, Blair 14, Parks 11, Belo 9, Al-Hussaini 9, Alolino 5, Cortez 4, Sena 4, Banal 0.
Magnolia 99 – Lee 25, Farr 23, Jalalon 14, Barroca 13, Brondial 6, Sangalang 4, Dela Rosa 4, Melton 4, Pingris 3, Herndon 2, Pascual 2, Simon 0.
Quarters: 23-23; 39-43; 61-61; 84-84; 104-99.