Nakisama rin ang NBA team na Portland Trail Blazers sa selebrasyon ng Pilipinas sa ika-158 kaarawan ng isa sa pambansang bayani ng bansa na si Gat Andres Bonifacio.
Napansin kasi sa social media accounts ng Blazers ay nakaposte ang edited photo ng kanilang franchise player at scoring leader na si Damian Lillard.
Makikita sa larawan ni Lillard na nakalagay sa leeg niya ang trademark ni Bonifacio na pulang panyo.
Biro tuloy ng ilang Pinoy fans ay tinawag itong “Gat Damian.”
Liban nito, isinabay din ng Blazers Facebook account ang pagbibigay ng updates sa lengwaheng Filipino ang laro nila kanina laban sa Utah Jazz.
Ang Utah ay tampok naman doon ang Filipino-American star na si Jordan Clarkson.
Gayunman, nanalo ang team ni Clarkson, na ang ina ay isang Pinay nang tumipon ng 22 points kasama na ang apat na 3-pointers, nang tambakan nila ang Blazers sa iskor na 129-107.
Ito na ang ika-14 na panalo ng Utah, habang ang Blazers ay meron 10 wins at 11 losses.
Kung maalala ang superstar na si Lillard ay naging malapit na rin sa Pilipinas na noong buwan ng Mayo ay nagbigay ng katumbas na isang milyong piso na donasyon nang masunog ang ilang bahagi ng Philippine General Hospital.