Umaasa ngayon ang Portland Trail Blazers na makagagawa sila ng breakthrough sa kanilang home court sa Game 3 ng kanilang Western Conference finals kontra sa Golden State Warriors.
Sinabi ni Trail Blazers guard CJ McCollum, kailangan nilang madala sa kanilang baluwarte ang parehong enerhiya na kanilang ipinamalas sa unang dalawang laro ng serye.
Hindi rin aniya sila maaaring mabigo sa harap ng kanilang home crowd lalo pa’t ito ang unang pagkakataon sa loob ng 19 taon na nakapasok sila sa conference final.
“We got to bring that same energy at home. Understand that this is the first time in 19 years we’ve been in the conference final. I’m really looking forward to the opportunity playing at home and building on what we’ve done. Being down 0-2, it’s not what you would like to see, but it’s our reality, so now we got to go get some at home,” wika ni McCollum.
Samantala, ayon naman kay Warriors coach Steve Kerr, alam na raw nila ang kanilang gagawin dahil ilang beses na raw silang nalagay sa ganitong sitwasyon.
“We’ve been in this situation many times, so we know how we have to play. We’ve got to play with great discipline and some desperation like we did for only parts of (Game 2). We’ve got to play that way the whole game, and that’s what it will take up in Portland,” ani Kerr.
Kasalukuyang hawak ng Warriors ang 2-0 lead at target nilang ibaon nang husto ang Blazers sa Game 3 bukas sa araw ng Linggo.