-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa abdominal surgery si Portland Trail Blazer star guard Damian Lillard.

Ayon sa Blazers na isasagawa ang re-evaluation ng anim hanggang walong linggo para matiyak kung makakabalik na ito sa paglalaro.

Naranasan na ng six-time All-Star ang nasabing problema sa buong season at hindi na rin nakapaglaro ng kabuuang 11 na laro.

Lumala ang nasabing sakit noong ito ay naglaro sa Tokyo Olympics matapos na kunin siya ng Team USA bilang manlalaro.

Mayroong average siya na 40.2 percent sa field shooting habang 32.4 percent sa 3-point range.