Hanggang Huwebes na lamang ang itinakdang deadline ng NBA sa desisyon ng mga players kung hindi sila maglalaro sa muling pagbubukas ng games sa July 30.
Kabilang sa humabol na nagpaabot ng abiso ay ang Washington Wizards forward na si Davis Bertans na magiging free agent na.
Sumunod na rin sa kanya si Portland Trail Blazers forward Trevor Ariza na nag-anunsiyo na hindi muna tutungo ng Florida sa susunod na buwan.
Ang Florida ay kabilang sa mga estado sa Amerika na maraming kaso ng COVID-19.
Sinasabing ginawang dahilan ni Ariza ay dahil daw upang makasama ang 12-anyos na anak.
Si Ariza ay may problema sa custody case laban sa kanyang misis.
Kung hindi maglalaro ang 34-anyos na si Ariza, mawawalan siya ng sweldo sa pagitan ng one million US dollars hanggang $1.8 million US.
Si Ariza ay may guaranteed contract na katumbas ng tinatayang P640 million para sa 2020-2021 NBA season.