-- Advertisements --
image 560

Simula ngayong araw ay ipatutupad muna ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa mga paaralan sa Masbate province kasabay ng kanilang pagkondena sa terrorist attacks ng mga communist rebels.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na sisiguruhin ng department na tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng mga pa-atake.

Aminado naman si Poa na labis na naaapektuhan ang klase ng mga estudyante dahil sa mga terrorist encounters.

Kaya naman nais daw nilang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Sa mga naunang pahayag ng DepEd, magsi-shift muna ang mga ito sa alternative delivery mode sa halip na massive class suspensions.

Mariin ding kinondena ng DepEd ang ginagawa ng mga rebelde dahil apektado ang learning recovery efforts para sa mga bata.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Poa na nakipag-ugnayan na raw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga otoridad para siguruhin ang kaligtasan ng mga learners at education personnel.

Nagpahayag din umano ang pangalawang pangulon ng pagnanais nitong makita at ma-assess ang sitwasyon sa mga apektadong paaralan sa Masbate.

Sa ngayn nasa anim na raw na bayan ang apektado ng armed conflict.

Hinimok nman ng DepEd publiko na maging mapagmatyag sa lahat ng uri ng karahasan at terorismo.