-- Advertisements --
deped1

Nakatakdang baguhin pansamantala ng Department of Education ang paraan ng kanilang pagtuturo sa tatlong magkakahiwalay na araw.

Sa inilabas na memorandum ng DepEd, nakasaad dito na sa Oktubre-5, Oktubre-31, at Nobyembre-3 ay lilipat muna ang DepEd sa blended learning modalities.

Ito ay upang bigyang daan ang World Teachers’ Day at ang pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Nakasaad sa memorandum ng DepEd na lahat ng in-person classess sa public elementary at secondary schools, kasama na ang mga Alternative Learning System, ay lilipat muna sa blended learning.

Sa ganitong paraan, umaasa ang DepEd na mabibigyan ng mas mahabang panahon ang mga guro na makapaghanda at makibahagi sa Teacher’s day sa October 5 at magampanan ang kanilang election duties sa October 30