-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa sina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin.
Ito ang unang pagkakataon na magkasabay na bibisita sa bansa sa darating na Hulyo 30 para sa 4th Philippines-US Foreign and Defense Ministerial Dialogue.
Magiging host sa nasabing pagbisita ng dalawang opisyal sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Secretary of National Defense Gilberto Teodoro, Jr.
Ang 2 on 2 meeting ay nakatuon sa pagpapatibay ng defense, security at economic cooperation ng US at Pilipinas.
Bawat panig din ay inaasahan na tatalakayin ang mga kasunduan na tinatawag na General Security of Military Information Agreement (GSOMIA).